Nakahanda si PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa na humarap sa Senado kung buksan ang imbestigasyon sa Mamasapano Massacre.
Ayon kay Gamboa, magbibigay ang Philippine National Police ng mga dokumento para maipaliwanag ang kanilang mga policy sa pagsasagawa ng police operations.
Matatandaang sinabi si Senador Richard Gordon na pinag-aaralan niyang muling buksan ang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa Mamasapano Massacre.
Makaraang madismaya sa pagkakabasura ng reklamong graft at usurpation laban kina dating PNP Chief Director General Alan Purisima at PNP Special Action Force Director Getulio Napenas.
Matatandaang 44 na SAF commandos ang nasawi sa nabigong Oplan Exodus o ang operasyon laban sa mga terorista na sina Zulkifli bin Hir alyas Marwan at Basit Usman sa Mamasapano, Maguindanao noong Enero 25, 2015.