PNP, handang mag-deploy ng karagdagang pwersa sa Masbate

Handang magpadala ng contigency ang Philippine National Police (PNP) sa Masbate City.

Ito ang tiniyak ni Philippine National Police (PNP) Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., kasunod ng insidente nang pamamaril sa Purok 2, Brgy. Maingaran, Masbate noong Linggo kung saan sugatan ang incumbent Barangay Chairman habang patay naman ang kandidato sa pagka-barangay councilor.

Ayon kay Acorda, tukoy na ang mga nasa likod ng pamamaril at kasalukuyan na silang tinutugis ng mga awtoridad.


Ani Acorda, kapag humingi ng karagdagang pwersa ang Masbate City Police ay agad naman silang magpapadala ng contigency doon.

Matatandaang nasa burol noon ang mga biktimang sina Joseph Martinez Condrado (incumbent Barangay Chairman) at Juvy Pintor Esquillo (tricycle driver at kandidato sa pagka-barangay councilor) kung saan nagkaroon ng komosyon makaraang dumating sa nasabing burol ang kanilang katunggali sa eleksyon.

Pinaputukan ang mga biktima dahilan nang pagkasugat ni Condrado at pagkasawi naman ni Esquillo.

Kasalukuyan pa itong bineberipika ng PNP upang matukoy kung ito ba ang election releated incident.

Facebook Comments