PNP, handang makipag-usap sa mga rebelde para sa localized peacetalks

Handa ang Philippine National Police (PNP) na makipag-negosasyon sa militanteng grupo para pag-usapan ang tinatawag na localized peacetalks.

Pero nananatili silang alerto sa mga possibleng pagbabanta sa seguridad sa kabila ng pagiging bukas nila sa negosasyon sa mga nasabing grupo.

Ayon kay PNP Spokesperson Police General Bernard Banac, bukas din umano sila kasama ang Armed Forces of the Philippines (AFP) kung may nais sumuko sa mga miyembro pati na ang mga lider ng New People’s Army o NPA.


Ito ang naging pahayag ng PNP kahit pa ang Pangulong Rodrigo Duterte  ang mismong pumutol na usapang pangkapayapaan sa mga rebelde.

Facebook Comments