PNP, handang sumuporta sa AFP kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea

Tiniyak ni Philippine National Police Chief General Debold Sinas na sumusuporta ang buong hanay ng Philippine National Police sa Armed Forces of the Philippines para bantayan at protektahan ang teritoryo ng bansa.

Ito ay sa harap na rin ng isyu ng pagdami ng Chinese vessels sa West Philippine Sea (WPS).

Ayon kay Sinas ang Philippine Navy ang nakatalagang magbantay at magpatrolya sa West Philippine Sea pero nakahanda aniya silang tumulong para bantayan ang mga karagatang sakop ng bansa sa WPS.


Aniya ang PNP Maritime group magsasagawa ng coastal patrol.

Habang tutulong din aniya sila sa ginagawang intelligence gathering at patuloy ang kanilang gagawing monitoring sa mga coastal areas.

Facebook Comments