PNP, handang tumulong sa pagsasagawa ng maritime law enforcement sa West Philippine Sea

Handa ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) nasuportahan ang iba pang ahensya ng gobyerno sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea.

Ayon kay PNP Chief General Guillermo Eleazar, nakahanda ang PNP Maritime Group para tulungan ang Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa pagpapatrolya sa West Philippine Sea upang maprotektahan ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.

Makikipag-ugnayan sila sa National Task Force-West Philippine Sea (NTF-WPS), PCG at BFAR kung ano ang magiging papel ng PNP Maritime Group.


Pero aminado ang heneral na limitado lamang ang kanilang kagamitan pero sa maliit na paraan ay makakatulong ang kanilang hanay sa pagbabantay sa teritoryo ng bansa.

Naniniwala ang PNP Chief na kung mas marami ang puwersa ng Pilipinas sa West Philippine Sea ay maipakikita ng bansa na sa atin ang lugar at atin itong ipinaglalaban.

Facebook Comments