PNP, hihingi ng tulong sa OSG kaugnay sa pagpapalaya kay dating Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo

Hihilingin ng Philippine National Police ang tulong ng Office of the Solicitor General, ito ay kaugnay sa kaso ng pagpapalaya kay dating Daraga, Albay Mayor Carlwyn Baldo.

Sinabi ni Police General Oscar Albayalde, ang OSG ang magbibigay ng direksyon sa kanila para sa mga susunod na legal action sa kaso.

Wala aniya silang magagawa sa kaso dahil ang desisyon ay galing sa korte na dapat nilang respetuhin.


Pero magtatalaga sila ng opisyal mula sa CIDG na siyang makikipag-ugnayan sa OSG para sa kaso.

Sa kabila kasi  ng matibay na ebidensya na naiprisinta laban kay Mayor Baldo ay pinayagan pa rin itong makapaglagak ng piyansa.

Anim na milyong pisong pyansa ang itinakda ng Legaspi RTC sa paglaya ni Baldo.

Si Mayor Baldo ang itinuturong mastermind sa pagpatay kay Ako Bicol Partylist Representative Rodel Batocabe at bodyguard nito na si SPO2 Orlando Diaz noong Dec 2018.

Facebook Comments