PNP, hinamon si UN Special rapporteur Callamard para pagtulungan maresolba ang kaso ng iligal na droga sa bansa

Manila, Philippines – Bukas ang Philippine National Police sa lahat ng tulong at rekomendasyon para maresolba ang problema sa iligal na droga ng bansa.

Ito ay matapos ang naging pahayag ni UN special rapporteur on extrajudicial executions Agnes Callamard na mayroong mas magandang paraan para maresolba ang problema sa droga at hindi ang paglabag sa karapatang pantao

Naniniwala raw si Callamard na ang hindi pagtanggap sa karapatang pantao ay hindi rin pagtanggap sa karaniwang sangkatauhan.


Sinagot naman ni PNP spokesperson police Chief Supt. Dionardo Carlos ang pahayag na ito at direktaang tinanong si Callamard kung mayroon siyang mairerekomendang paraan para mapatigil ang 4 na milyong Pilipinong sa paggamit ng iligal na droga.

Paliwanag ni Carlos na sa ngayon ay may mga paraang ginagawa ang PNP para maaresto at matulungan ang mga drug offenders sa pamamagitan ng kanilang ginagawang oplan tokhang at umaabot na sa mahigit 1.2 milyon surrenderers out of 4 million drug users

Umaasa si Chief Supt. Carlos na sanay makipag-ugnayan si Callamard sa Inter Agency Committee on Anti-Illegal Drugs at National Anti-Drug Plan of Action upang matukoy ang totoong ginagawa ng PNP at iba pang ahensya ng pamahalaan para sa problemang ito.

DZXL558

Facebook Comments