Pagiging top economic performer ng Pilipinas sa ASEAN region, ikinatuwa ng Malacañang

140

Manila, Philippines – Ipinagmamalaki ng palasyo ng Malacañangang resulta ng ASEAN +3 Macroeconomic Research Office na nagpangalan sa Pilipinas bilang Top Economic Performer sa ASEAN Region.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, ang magandang balitang ito ay sa kabila ng political noise sa bansa na nagpapatunay din na mataas ang tiwala ng mga negosyante sa administrasyong Duterte.

Ibinida pa ni Abella na sa loob ng isang taon ay marami na ang magandang pagbabago na natupad sa ilalim ng administrasyong Duterte.

Tiniyak ni Abella na magpapatuloy pa ang paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa pamamagitan na rin ng pagtatayo ng marami at malalaking infrastructure projects na magpapaganda ng buhay ng mga Pilipino.

DZXL558

Facebook Comments