PNP, hindi hahayaan ang pag-spill over ng bombing incident sa Metro Manila

Hindi hahayaan ng Philippine National Police (PNP) na magkaroon din ng pagsabog sa kalakhang Maynila at iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na ngayong nalalapit na ang panahon ng Kapaskuhan.

Ito ang sinabi ni PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo kasunod nang insidente nang pagpapasabog ng isang unit ng Yellow Bus Lines Inc., sa Purok Duranta, Barangay Poblacion, Tacurong City noong Linggo ng umaga.

Ayon kay Fajardo sa ngayon pinaigting na ng Pambansang Pulisya ang kanilang intelligence gathering.


Magkakaroon na rin ng random checkpoints sa iba’t ibang lugar sa Metro Manila at paiigtingin ang border control.

Layon aniya nitong mapanatili ang kaayusan at kaligtasan ng publiko alinsunod na rin sa mandato ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr.

Kasunod nito, umaapela ng pang-unawa ang PNP sa publiko saka sakaling maantala ang kanilang biyahe dahil sa ipatutupad na safety measures para na rin sa kaligtasan ng lahat.

Facebook Comments