PNP, hindi inirerekomenda ang pagkakaroon ng ceasefire sa CPP-NPA ngayong holiday season

Walang rekomendasyon ang Philippine National Police (PNP) na magpatupad ng ceasefire o tigil putukan sa teroristang grupong CPP-NPA ngayong panahon ng Kapaskuhan.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo lalo na’t kamakailan lamang ay nakasagupa ng tropa ng pamahalaan ang mga rebelde sa Barangay Malalay, Balayan, Batangas kung saan nagresulta ito sa pagkamatay ng isang sundalo at tatlong sugatan habang na-neutralisa naman ang anim na kasapi ng CPP-NPA.

Una nang sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi rin nila inirerekomenda ang suspension of military operations o ceasefire sa CPP-NPA-NDF ngayong panahon ng Kapaskuhan.


Samantala, sinabi ni Fajardo na pinaghahandaan din ng mga otoridad ang paparating na anibersaryo ng rebeldeng grupo sa Dec. 26, 2023.

Aniya, nagdagdag na sila ng pwersa sa mga malalayo at tinaguriang vulnerable police stations.

Sa ngayon, nananatili ang maximum deployment ng mga pulis hanggang sa Pista ng Itim na Nazareno.

Facebook Comments