PNP, hindi ipapatupad ang shame campaign ng DILG sa mga lumalabag sa health protocols ngayong may pandemic

Dumistansya ang pamunuan ng Philippine National Police (PNP) sa pahayag ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na dapat ay mala-Martial Law style ang gawing pagbabantay ng mga pulis sa panahon ng COVID-19 crisis at isailalim sa shame campaign ang mga hindi sumusunod sa mga health protocol.

Ayon kay PNP Chief General Archie Gamboa, hindi nila ito gagawin sa pagbabantay sa mga lugar na may mataas na kaso ng COVID-19.

Giit ni Gamboa, ang ipinatutupad lamang ng PNP ay kung ano ang nasa batas at sa mga ordinansa ng lokal na pamahalaan.


Sa ngayon, mahigpit ang utos ni Gamboa sa mga pulis na dapat sundin ang PNP Code of Conduct and Ethical Standards sa pagbabantay sa mga quarantine control points lalo na sa pakikitungo sa mga kababaihan at matatanda.

Matatandaang si DILG Usec. Martin Diño ang nagmungkahi ng shame campaign dahil matindi na ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Facebook Comments