PNP, hindi na irerekomenda ang extension ng umiiral na Martial Law

Manila, Philippines – Wala ng nakikitang dahilan si PNP Chief Director General Ronald Dela Rosa para palawigin pa ang umiiral na Martial Law sa Mindanao.

Ang pahayag ay ginawa ni Dela Rosa matapos ang declaration of liberation ng Pangulong Rodrigo Duterte sa lungsod ng Marawi.

Ayon kay Dela Rosa sapat na ang hanggang December 30 ang umiiral na batas militar dahil tiyak aniyang makakabalik na sa normal ang buhay ng mga residente ng buong MIndanao lalo na sa Marawi City.


Pero sakaling makaroon uli ng panibagong kaguluhan bagamat hindi nila hinihiling ay sila magaatubiling irekomenda ang extension ng Martial law.

Sinabi pa ni Dela Rosa na sa ngayon nakatuon na ang PNP sa rehabilitasyon.

Facebook Comments