Wala nang warning at manghuhuli na ang mga pulis ng mga matitigas ang ulo at pasaway na lumalabag sa minimum health protocols.
Sa interview ng RMN Manila, binigyang-diin ni bagong upong Philippine National Police Chief Gen. Guillermo Eleazar na bilang dating COVID-19 Shield Commander, napatunayan niya na epektibo ang istriktong pagpapatupad ng mga health protocols upang malabanan ang virus.
Pero sinabi ni Eleazar na dahil paulit-ulit na rin na lumalabag ang mga tao at kasunod ng direktiba ni Pangulong Rodrigo Duterte ay hindi na sila mag-aatubiling hulihin at ikulong ang mga quarantine violators.
Sa kabila nito, tiniyak pa rin ng bagong PNP Chief na dadaan sa tamang proseso ang mga mahuhuling pasaway na lumalabag sa minimum health protocols.
Facebook Comments