PNP hindi nakakatangap ng report ng sangkot sa iligal na droga si dating Pangasinan Gov. Amado Espino Jr

Walang  natanggap na ulat ang PNP na positibong nag-uugnay kay dating Pangasinan Governor Amado Espino Jr. sa iligal droga.

 

Ito’y matapos na mapasama si Espino sa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte nitong mga nakaraang taon.

 

Ayon kay PNP spokesperson PBGen. Bernard Banac, totoong napasama ang dating gobernador sa narco-list pero kalaunan ay natanggal rin ito.


 

Paliwanag ni Banac naniniwala ang PNP na ginampanan ng dating gov ang kanyang trabaho dahilan para  mapalakas pa ang  giyera kontra iligal na droga ng Duterte administration.

 

Sinabi pa ni Banac na posibleng may sindikatong maaring naapektuhan sa kampanya nito laban sa iligal na droga.

 

Matatandang lulan si Espino ng kanyang sasakyan ng pagbabarilin sa Barangay Magtaking, San Carlos City, Pangasinan; 2 sa bodyguard nito namatay.

Facebook Comments