PNP – hindi natatakot sa bantang pagsisiwalat ni VP Leni sa mga natuklasan nito sa war on drugs

Hindi natatakot ang Philippine National Police (PNP) sa banta ni Vice President Leni Robredo na isisiwalat nito ang kanyang natuklasan hinggil sa war on drugs.

Kasunod pa rin ito ng pagsibak sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang co-chair ng Inter-Agency Committee on Anti-Illegal Drugs (ICAD).

Ayon kay PNP spokesman Brig/ Gen. Bernard Banac – lahat ng napag-usapan sa pakikipagpulong sa bise presidente ay pwede naman talagang isapubliko.


Samantala, wala rin umanong nakitang mali ang PNP sa mga naging hakbang ni Robredo sa loob ng tatlong linggo nitong pagsisilbi nilang co-chair ng ICAD.

Tugma rin aniya ang adbokasiya ng bise presidente na community-based rehab at transparency sa war on drugs sa tinatahak na direksyon ng PNP.

Pinabulaanan din ni Banac ang mga opinyong may pinoprotektahang drug lord ang PNP.

Facebook Comments