Hindi pa tiyak ang Philippine National Police (PNP) kung magkakaugnay ang mga operasyon ng mga underground clinic na karamihan ay pinatatakbo ng mga Chinese nationals.
Ayon kay PNP Chief Police General Archie Francisco Gamboa, posibleng ginawa ang mga klinika para matulungan nila ang mga kapwa nilang Chinese na nagkakasakit.
Pero iginiit ni Gamboa na kahit maganda ang intensyon ng mga ito ay kailangan pa ring dumaan sa regulatory functions ng pamahalaan.
Tiniyak ng PNP na patuloy silang magsasagawa ng operasyon laban sa illegal medical clinics sa tulong ng Department of Health (DOH).
Una nang ini-utos ni Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra ang National Bureau of Investigation (NBI) at ang Bureau of Immigration (BI) na tulungan ang mga pulis sa pagtunton ng underground clinics.