PNP, hindi pa nagpapakalat ng “mystery passengers” sa mga pampublikong transportasyon

Hindi pa nagpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng kanilang mga tauhan para magsilbing ‘mystery passenger’ at manghuli ng mga lalabag sa ‘No Vaxx, No Ride’ policy ng Department of Transportation.

Ayon kay PNP Spokesman Col. Roderick Augustus Alba, titingnan muna ang antas ng disiplina ng mga tao na gagamit sa mga pampublikong sasakyan.

Maging ang mga pampublikong driver at konduktor ay oobserbahan muna aniya ng PNP kung kaya nilang disiplinahin ang kanilang hanay sa ipinapatupad na polisiya.


Sakaling mag-deploy aniya sila ng ‘mystery passenger’ ay mga tsuper at konduktor ang kanilang babantayan dahil sa posibilidad na pagpapalusot ng mga pasahero.

Nilinaw naman ni Alba na hindi nila patatawarin ang mga mahuhuling pasaway na mga driver at agad ire-report sa Land Transportation Office o sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.

Facebook Comments