PNP hindi pabor sa pagsama ni Robredo sa mga anti-drug operation

Manila, Philippines – Hindi sinasang ayunan ni PNP OIC P. Lt. Gen. Archie Francisco Gamboa na sumama si Vice President Leni Robredo sa mga anti-drug operations.

Ayon kay Gamboa, na magiging delikado ito para sa VP Robredo at hindi advisable.

Maski aniya mga heneral ay hindi sumasama sa mga anti-drug operations, ngunit ito naman aniya ay dahil dumaan na sila dito bilang mga junior officers.


Mas mabuti nalang aniya na mag-concentrate ang bise presidente sa advocacy at rehabilitasyon.

Ngunit welcome naman aniya ang bise presidente kung gusto niyang pag-aralan ang law enforcement aspect ng drug war kung saan nakatutok ang PNP.

Gagawin naman aniya ng PNP ang lahat para matulungan ang bise presidente na maunawaan ang law enforcement side ng anti-drug campaign na madali para sa kanya at hindi malalagay sa panganib ang kanyang buhay.

Facebook Comments