
Inanunsyo ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Randulf Tuaño na hindi pipigilan ng ahensya ang mga miyembro nito na gustong tumestigo sa International Criminal Court (ICC) kaugnay ng war on drugs ni dating Pangulo Rodrigo Duterte.
Kasunod ito ng panawagan ng Prosecutor Office ng ICC ng mga direktang testigo mula sa PNP, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI) patungkol sa mga naganap noong kampanya kontra droga .
Kung saan, nilinaw ni Tuaño, na ito ay panawagn lamang ng ICC at hindi summon kung saan hinihiling nito ang boluntaryong kooperasyon ng mga nasabing ahensya.
Ayon pa kay Tuaño, kung nais ng isang myembro na tumestigo, ito ay dapat personal legal decision nito.
Kaugnay nito, kinikilala naman at nirerespeto ng PNP ang due process at legal na karapatan ng mga myembrong gustong makiisa sa nasabing panawagan ng ICC.









