PNP – hinikayat ng Commission on Human Rights na i labas na ang resulta ng imbestigasyon sa umano’y kaso ng extra judicial killings sa bansa

Manila, Philippines – Hinimok ng Commission on Human Rights ang Philippine National Police na ilabas na ang resulta ng imbestigasyon sa mga insidente ng extra judicial killings sa bansa.

 

Ayon kay CHR Commissioner Gwendolyn Pimentel-Gana – dapat nang ilabas ng PNP ang imbestigasyon nito para mawala ang hinala at pagdududa ng publiko.

 

Katunayan, matagal na umano nila itong hinihingi sa PNP.

 

Sa Mayo naman nakatakdang ilabas ng CHR ang resulta ng sarili nilang imbestigasyon sa mga insidente ng EJK.



Facebook Comments