𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝟰𝟬𝗞 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗖𝗔𝗡𝗡𝗔𝗕𝗜𝗦 𝗢𝗜𝗟, 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗠𝗦𝗔𝗠 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗖𝗢𝗟𝗟𝗘𝗚𝗘 𝗦𝗧𝗨𝗗𝗘𝗡𝗧

CAUAYAN CITY- Arestado ang isang college student na tinaguriang high value target sa ikinasang buy-bust operation ng mga otoridad sa Brgy. Mabini, Santiago City kamakailan.

Nasamsam mula sa suspek ang labing isang (11) piraso ng vape cartridge na naglalaman ng hinihinalang droga na nagkakahalaga ng Php44,000, isang (1) piraso ng plastic canister na naglalaman ng hinihinalang marijuana na nagkakahalaga ng Php1,000, at isang (1) disposable vaping device na naglalaman ng hinihinalang illegal na droga at nagkakahalaga ng Php4,000.

Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay dahil sa pinagsanib na pwersa ng PDEA Quirino PO, PDEA Kalinga PO at SCPO CDEU.


Mahaharap naman ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments