PNP, hinimok ang publiko na sumunod sa utos ni Pangulong Duterte na patuloy na magsuot ng face shield

Hinihikayat ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar ang publiko na magsuot pa rin ng face shield bilang pagsunod sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay matapos na ianunsyo ni Pangulong Duterte kagabi na mandatory pa rin ang pagsusuot ng face shield sa labas ng tahanan at sa loob ng mga gusali matapos matuklasan ng Department of Health (DOH) ang pagdami ng kaso ng Delta variant, ang unang variant na napaulat sa India at pinaniniwalaang mas mabilis makahawa.

Pakiusap ni PNP chief sa publiko, igalang at sumunod sa direktiba ng pangulo tungkol sa pagsusuot ng face shields, ito ay para na rin sa kaligtasan ng lahat.


Dagdag pa nito, mas kailangan ngayon ang ibayong proteksyon lalo’t madaling makahawa ang Delta variant sa pamamagitan ng pagsunod sa mga health protocol.

Paalala naman ni Eleazar sa mga pulis na ipatupad pa rin ang maximum tolerance at iwasang magpataw ng parusa sa mga mahuhuli nilang hindi nakasuot ng face shield.

Facebook Comments