Hindi pa maaresto ng Philippine National Police ang mga public officials o mga pulitiko na nagbibigay ng extortion money sa Communist Party of the Philippines New Peoples Army o CPP NPA para manalo sa midterm election sa susunod na buwan.
Ayon kay PNP Chief Police General Oscar Albayalde ang hawak nila ngayon ay intelligence information lang.
Aminado si Albayalde na mahirap patunayan na may nangyayaring bribery o pamimigay ng extortion money sa CPP NPAN dahil madali naman daw itong pabulaanan ng isang public officials o pulitiko.
May listahan aniya sila ng mga pulitiko na batay sa kanilang intelligence monitoring ay nagbibigay ng extortion money pero ipapaubaya aniya nila sa DILG ang pagsasapubliko ng pangalan ng mga ito.
Sa report ng PNP mayroong Tatlongdaan at Apatnapu’t Siyam na mga lokal na opisyal ang nagbibigay umano ng pondo sa mga komunista.
Partikular na binabantayan nila ngayon ang 11 Gubernador, 10 Board Members, 55 alkalde , 21 Vice Mayor, 41 Konsehal at 184 na Opisyal ng Barangay.
Batay sa datos na nakalap ng PNP, aabot sa halos Dalawandaang Milyong piso ang nakolekta na ng NPA mula sa kanilang extortion activities mula pa nuong taong 2016.