PNP HPG, itinangging may mga luxury vehicles na nakita sa Kampo Krame

Mariing kinondena ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP HPG) ang kumalat na impormasyon sa social media hinggil sa umano’y pagkakadiskubre ng ilang mamahaling sasakyan sa loob ng Camp Crame.

Ayon sa HPG, agad silang nagsagawa ng masusing inspeksyon matapos matanggap ang ulat.

Kasama ang Headquarters Support Service, nilibot at sinuri nila ang lahat ng parking area at restricted zones sa loob ng PNP National Headquarters kung saan lumabas sa beripikasyon na wala ni isang luxury vehicle ang nakita sa loob ng kampo.

Giit ng HPG, malinaw na fake news ang naturang ulat na layong linlangin ang publiko at dungisan ang pangalan ng organisasyon.

Kasunod nito, tiniyak ng PNP HPG na maagap nilang bineberipika ang mga ganitong alegasyon upang mapanatili ang transparency at accountability ng kanilang operasyon.

Facebook Comments