PNP-HPG, itinangging tauhan nila ang 2 nakamotorsiklong lalaki sa Zambales na trending sa social media

Hindi mga tauhan ng Philippine National Police Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang dalawang nakamotorisklong lalaki sa Zambales na ngayon ay trending sa social media.

Ito ay matapos makuhanan ng video ang kanilang ginagawang tila exhibition habang sakay ng motor kung saan maraming sasakyan ang nakakasabay at nakakasalubong sa kalsada.

Ayon kay PNP-HPG Director Police Brig. Gen. Alexander Tagum, hindi HPG riders ang mga sakay ng motorsiklo dahil hindi sila nakasuot ng visibility test at walang HPG markings sa kanang bahagi ng kanilang pannier box ng kanilang motorsiklo.


Magkagayunpaman, inutos pa rin ni Tagum sa kanilang Intelligence and Investigation Division na magsagawa ng imbestigasyon sa hindi ligtas na pagmomotorsiklo na ito sa kalsada ng mga traffic police riders.

Habang pinaalalahanan naman ni Tagum ang kanyang mga ground commander na palaging pairalin ang road discipline sa lahat ng mga nagmomotorsiklo.

Facebook Comments