Manghuhuli na ang Philippine National Police-Highway Patrol Group (PNP-HPG) ng mga lalabag sa backriding policy simula bukas, July 11.
Ito ay makaraang payagan na ng pamahalaan ang pag-aangkas sa motorsiklo ng mga mag-asawa at live-in partner.
Ayon kay PNP-HPG Director Police Brig. Gen. Eliseo Cruz, ngayong araw ay warning lang muna ang matatanggap ng mga lalabag sa panuntunan ng Inter-Agency Task Force (IATF).
Sa ilalim ng panuntunan, dapat na may acrylic shield na lampas ulo sa pagitan ng driver at angkas, may hawakan, naka-facemask at may mga dokumentong magpapatunay na sila ay mag-asawa o mag-live-in partner.
Facebook Comments