PNP-HPG, Nagsagawa ng Surprise Inspection sa mga Second Hand Nagbebenta ng Sasakyan

Cauayan City, Isabela-Nagsagawa ng surprise inspection ang pinagsanib na pwersa ng Regional PNP Highway Patrol Group at Cauayan City Police Station sa mga malalaking supplier ng spare parts sa lungsod bilang bahagi ng ‘One Time Big Time’ laban sa carnap na mga sasakyan.

Ayon kay PMAJ. Wilfredo Sacmar, ito ay bahagi ng mandato ng pambansang pulisya para maiiwas ang publiko sa inaakalang legal na spare parts ng sasakyan subalit ito ay pala ay peke o galing sa nakaw.

Aniya, masusing binubusisi ang bawat makina ng sasakyan upang matukoy kung ito ba ay bahagi ng nakaw at maberipika sa kanilang tinatawag na vehicular information management system (VIMS).


Panawagan naman ni Sacmar sa publiko na ugaliin na huwag magpadala sa ibinibentang murang sasakyan at maging makilatis para makatiyak na walang mangyayaring paglabag sa batas.

Dahil dito, posibleng sampahan ng kasong ‘anti-carnapping law’ ang sinuman na tatangkilik sa mga nakaw na kagamitan ng sasakyan.

Facebook Comments