PNP-HPG namigay ng bulaklak sa mga motorista sa EDSA

55

Lumapit sa mga motorista hindi para manguha ng lisensya, kundi para mamigay naman ng bulaklak


Ganito ang ginawa ng Highway Patrol Group (HPG) ng Philippine National Police (PNP) ngayong selebrasyon ng araw ng mga puso.

Ayon kay HPG Spokesperson Lieutenant Colonel Madel Pedrezuela, namahagi ng bulaklak ang kanilang unit para mapagaan ang ‘mood’ ng mga motoristang naiipit sa trapiko sa kalsada.

Sa pamamagitan din kasi umano nito ay mas mapapalapit ang pulisya sa mamamayan.

Facebook Comments