PNP, humingi ng basbas sa korte upang makakuha ng impormasyon sa pagkakakilanlan ng mga Facebook at Youtube users na nagpapalaganap ng grooming

Kumikilos na ang Philippine National Police (PNP) upang makakuha ng impormasyon mula sa mga social media platforms na Facebook at Youtube laban sa mga nasa likod ng online account na nagpapalaganap ng grooming.

Ang grooming ay ang pagbuo ng relasyon, tiwala at koneksyon sa isang bata upang manipulahin at abusuhin ito.

Ayon sa Women and Children Cybercrime Protection Unit (WCCPU) ng PNP Anti-Cybercime Group, nakapaghain na sila ng aplikasyon sa Manila regional trial court upang maisyuhan sila ng warrant to disclose computer data (WDCD).


Sa pamamagitan nito ay may mabibigyan sila ng kapangyarihan na makakuha ng impormasyon mula sa Facebook at Youtube upang matukoy ang pagkakilanlan ng mga accounts na ito at makapaghain ng karampatang kaso sa korte.

Mababatid na ibinunyag ni Senator Risa Hontiveros ang isang Youtube channel na “Usapang Diskarte” na nagpopost ng videos kung paano i-groom ang isang batang babae at kung paano kumbinsihin ang isang bata na makipagtalik sa iyo.

Ibinunyag din ni Hontiveros ang Facebook groups na “Atabs” at “LF Kuya and Bunso” na nagpapakita naman ng mga litrato ng menor de edad upang makapang-akit ng mga predator.

Mariin namang kinondena ng Commission on Human Rights (CHR) ang mga naturang social media pages kung iginiit ng CHR na isa itong heinous crime na lumalabag sa karapatan ng mga menor de edad.

Facebook Comments