Labi ng biktima ng Ateneo shooting incident na si Vic Capistrano, naiuwi na sa Basilan

182

Nai-uwi na sa piling ng mga mahal sa buhay sa Lamitan, Basilan ang labi ng isa sa biktima ng Ateneo Shooting incident na si Victor Capistrano.

Si Capistrano ang executive assistant ng dating alkalde ng Lamitan na si Rose Furigay na kabilang din sa nasawi sa naturang pamamaril noong Linggo.

Unang isinagawa ang lamay nina Capistrano at Furigay sa isang kapilya sa Quezon City noong Martes bago inihatid kahapon ng umaga sa kaniyang kamag-anak.


Magkakaroon din ng lamay para kay Capistrano habang patuloy na pinag-uusapan pa ng pamilya ang petsa ng kaniyang burol.

Sa ngayon ay limitado lamang ito sa malalapit na kaibigan at pamilya.

Si Capistrano ay pangulo ng LGBT Lamitan Chapter at kinilala bilang sa mga lumaban para sa gender equality sa naturang rehiyon



Facebook Comments