PNP-IAS, humingi sa liderato ng PNP ng karagdagang tauhan para masawata ang mga pulis na sangkot sa moonlighting activities

Kulang sa tauhan ang Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP-IAS).

Ito ang sinabi ni IAS Inspector General Atty. Brigido Dulay kung saan nasa 400 mga tauhan ang kulang sa kanilang unit.

Ayon kay Dulay nag-request na sila kay PNP Chief PGen. Rommel Marbil para madagdagan sila ng tauhan nang sa gayon ay mapaigting pa ang kanilang inspeksyon, audit at monitoring ng mga pulis.


Ito ay kasunod na rin ng pagkakasangkot ng ilang pulis sa moonlighting o hindi awtorisadong pag-e-escort at pagsisilbing VIP body guards.

Samantala, sinabi rin ni Atty. Dulay na nakatakda silang mag-sumite ng policy recommendations na magagamit ng PNP para maiwasan ang moonlighting activities ng kanilang mga tauhan.

Facebook Comments