PNP-IAS, iniimbestigahan na ang pagpatay ng pulis sa menor de edad sa Rodriguez, Rizal

Nagsasagawa na ng moto propio investigation ang Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) hinggil sa kaso ng pagpatay ng isang pulis sa Rodriguez, Rizal.

Ayon kay IAS Inspector General Atty. Alfegar Triambulo, inatasan niya na ang Rizal Police na imbestigahan ang pamamaril ni PCpl. Arnulfo Sabillo sa 15 taong gulang na binatilyong si John Francis Ompad.

Ani Triambulo, posibleng maharap sa kasong administratibo na grave misconduct at conduct unbecoming of police officer si Sabillo kung saan basehan ito para masibak sa serbisyo.


Samantala, lumalabas naman sa record ng PNP na dati nang nasuspinde si Sabillo noong 2017 matapos maaresto dahil sa alarm and scandal sa Pasig City.

Maliban dito ay nasuspinde na rin ito noong January 2023 dahil napatunayang guilty sa hindi pagbabayad ng utang.

Facebook Comments