Panibagong balasahan, ipinatupad ng PNP

Muli na namang nagkaroon ng rigodon sa hanay ng Pambansang Pulisya.

Sa pinakabagong unit reassignment na pirmado ni Director for Personnel and Records Management Police Major General Robert Rodriguez, limang opisyal ang sakop ng balasahan kabilang dito ang limang heneral.

Kasama sa tinaaman ng palitan sa pwesto sina PMajGen. Jon Arandia Arnaldo na magiging acting commander na ng Area Police Command ng Northern Luzon, PBGen. Ross Clemente Alvarado na naitalaga bilang acting director ng Finance Service habang si PBGen. Bowenn Joey Moncada Masauding ay pamumunuan na ang Police Regional Office 9.


Si PBGen. Neil Buaqueña Alinsañgan ay magsisilbing acting director for plans at si PBGen. Robert Alexander Morico naman ay itinalaga bilang acting director for intelligence ng PNP.

Epektibo ang balasahan simula kahapon, August 24, 2023.

Facebook Comments