Umarangkada na ang imbestigasyon ng Philippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) laban sa apat na pulis na sangkot sa pagdukot ng tatlong Chinese at isang Malaysian sa Pasay City.
Ayon kay PNP-IAS Inspector General Atty. Brigido Dulay, nag-umpisa na ang pre-charge investigation na unang hakbang sa pagsasampa ng administratibong kaso laban sa mga ito.
Ani Dulay, kadalasang tumatagal ng 30 araw ang pagdinig sa administratibong kaso ng mga pulis.
Sa sandali aniyang makakalap na sila ng mga kinakailangang ebidensya, hindi sila mangingiming magrekomenda ng dismissal o pagsibak sa serbisyo sa mga sangkot na pulis.
Una nang sinabi ng PNP na sindikato ang apat na pulis na mayroong mga kasabwat na sibilyan.
Facebook Comments