PNP-IAS, planong magkabit ng “Tamad” ringtone sa mga PNP officers na may hinahawakang overdue cases

Plano ng Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP-IAS) na magkabit ng “tamad” alert tone sa mga tauhan nito para i-alerto sila sa mga nakabinbing overdue cases na kailangan nang resolbahin.

Sa pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, sinabi ni PNP-IAS Inspector General Alfegar Triambulo, kasalukuyan itong ginagamit sa mga computer ng mga pulis.

Mahihiya aniya ang police officer na humahawak ng kaso dahil tutunog ang alert tone kapag hindi ito trinabaho ang nakabinbing kaso.


Pinuri naman ni Senator Ronald Dela Rosa si Triambulo sa pagsusulong ng proyektong ito lalo na sa pagpapatupad ng reporma sa PNP-IAS.

Sa ilalim ng Republic Act 8551, minamandato ang IAS na magsagawa ng inspection at audit sa lahat ng unit at personnel ng PNP, imbestigahan ang mga reklamo at maglikom ng ebidensya na susuporta sa imbestigasyon.

Trabaho rin ng IAS na magsagawa ng summary proceedings sa mga miyembro ng PNP na nahaharap sa kasong administratibo.

Facebook Comments