
Suportado ng Philippine National Police Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang naging pahayag ni PNP Chief PGen. Nicolas Torre III hinggil sa kanyang hangaring higit pang palakasin ang PNP-IAS.
Ayon kay PNP-Internal Affairs Service Inspector General Atty. Brigido Dulay, isa itong malinaw na patunay na nananatiling pangunahing layunin ng Pambansang pulisya ang integridad, pananagutan, at disiplina sa hanay ng kapulisan.
Ani Dulay sa suporta ni Gen. Torre, lalong nahihikayat ang IAS na gampanan ang kanilang mandato nang may higit na sigasig, kalayaan, at paninindigan upang masiguro ang isang kapulisan na tunay na karapat-dapat pagkatiwalaan at paglingkuran ang sambayanan.
Una ang sinabi ni Torre na target nyang palakasin ang PNP-IAS para sa mas mabilis na imbestigasyon at prosekusyon laban sa mga tiwaling pulis.
Aniya, bahagi ito ng internal cleansing sa hanay ng Pambansang Pulisya.









