Ozamiz City – Nanindigan ang Philippine National Police na hindi gumamit ng granada raiding team sa Ozamiz raid.
Ayon kay PNP spokesman Csupt. Dionardo Carlos, walang gumagamit ng granada sa kanilang mga tauhan sa operasyon tulad ng nangyaring drug raid sa Ozamiz City.
Batay aniya sa report ng raiding team ng PNP, nagmula ang granada sa loob na inihagis ng mga security personnel ng mga Parojinog.
Ang pahayag na ito ay ginawa ni Carlos matapos lumutang ang testigo sa Ozamiz raid na nagsabing naghagis ng granada ang mga sumalakay na pulis na naging dahilan ng pagkasawi 15 katao kabilang na sa Mayor Reynaldo Parojinog Sr.
Sa huli, hinamon ni Carlos sa kampo ng mga parojinog na iharap sa korte ang kanilang testigo upang matukoy ang totoong nangyari.