PNP, iimbestigahan ang akusasyon ni Pangulong Duterte tungkol sa presidential aspirant na gumagamit ng cocaine

Pina-iimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang alegasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte tungkol sa isang presidential aspirant na gumagamit ng cocaine.

Ayon kay PNP Chief Police General Dionardo Carlos, inatasan na niya ang Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) para pangunahan ang imbestigasyon.

Una rito, ibinunyag ni Pangulong Duterte na isang kumakandidatong pangulo sa 2022 elections ang gumagamit ng cocaine.


Hindi naman pinangalanan ng pangulo ang naturang presidential aspirant na aniya’y anak ng mayaman at ginagamit lamang ang pangalan ng ama.

Ang pagbubunyag na ito ng pangulo ay nangyari makaraang ideklara ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ang pagtakbo niya sa vice presidential race ka-tandem si dating Senador Bongbong Marcos.

Una nang iginiit ng kampo ni Marcos na hindi sila tinamaan sa naging pahayag ng pangulo.

Mungkahi naman ng ilang presidential aspirants, magsagawa ng surprise drug test.

Facebook Comments