PNP, iimbestigahan ang pag-masaker sa mga kaanak ng asawa ni Ruben Ecleo

176

Iimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang dating mambabatas at cult leader na si Ruben Ecleo Jr. sa umano’y pagkakasangkot nito sa pagpatay sa mga mahal sa buhay ng kanyang asawa.


Noong April 2012, si Ecleo ay convicted noong January 2002 dahil sa pagpatay sa kanyang misis na si Alona Bacolod.

Ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) Chief Police Major General Debold Sinas, may natatanggap silang mga ulat na hindi lamang ang kanyang asawa ang pinaslang ni Ecleo.

Lumalabas aniya na pinatay niya ang pamilya ng kanyang asawa.

SInabi rin ni Sinas na dawit din Ecleo sa mga pagpatay pero hindi lang nai-file ang kaso.

Itinanggi naman ni Ecleo na pinatay niya ang pamilya pero inamin din niya matapos siyang akusahan.

Hindi rin siya ang nag-utos para patayin ang pamilya at pinabulaanang alam niya ang suspek.




Facebook Comments