PNP Iligan, nilinaw ang paglipat ng oras sa ipinapatupad na curfew hour sa lungsod

Iligan, Philippines – Nilinaw ng PNP Iligan kung bakit nila inilipat sa ibang oras ang pagpapatupad ng curfew hour sa lungsod.

Ito’y sapagkat may mga natatanggap na naman silang mabigat na banta sa seguridad na may kaugnayan sa pangyayari sa gulo ng Marawi City sa pagitan ng mga sundalo at Maute Group.

Ayon kay Police Superintendent Esralin Lauren, police community relation branch chief na napagkasundo-an nga lokal na pamahalaan ng iligan at ng mga otoridad nag awing alas 9 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga ang curfew na dating nasa alas 10 ng gabi hanggang alas 4 ng madaling araw.


Hiningi ng kapulisan ang pang-unawa ng mga iliganon sapagkat para rin umano ito sa kapakanan ng bawat isa at masiguro ang kaligtasan at seguridad ng mamamayan.

Kahit si Iligan City Mayor Celso Regencia, umapela na rin sa mga Iliganon na intindihin ang ipinapatupad na curfew hour sa lungsod ng Iligan.
DZXL558

Facebook Comments