ILIGAN CITY- Nilinaw ng PNP Iligan na wala silangkautosan sa mga establishment at negosyante sa lungsod na magsira ng kanilangmga negosyo sa darating na lunes at martes petsa byente sais at byente syetenitong buwan ng hunyo.
Ito’y matapos kumalat ang impormasyon sa lungsod nanaging sanhi nang pagka-panic ng iilang mga residente dahil sa banta na rin ngseguridad.
Ayon kay Police Superintendent Esralin Lauren na walangkatotohanan na may kautosan sila at mismo ang lokal na pamahalaan sa lungsod naipasirado ang negosyo sa lungsod lalong-lalo na sa mga merkado dahil sa bantang seguridad.
Tinawag ni Lauren na isang cyber terrorism ang kumakalatna impormasyon sa social media para takutin ang mga residente ng lungsod kungsaan ito umano ang kanilang hangarin na makagawa ng malaking kagulohan sa isanglugar.
Pinayuhan ni Lauren ang mga iliganon na maging kampantilang at mapagmatyag sa kahit ano mang oras at agad na e-report sa kanila angmga kahinahinalang tao at mga impormasyon na may kinalaman sa banta ngseguridad sa lungsod ng iligan.(GHINER L. CABANDAY, RMN-DXIC ILIGAN)
PNP Iligan nilinaw na wala silang nilabas na kautosan para ipasara ang mga establishment sa lungsod dahil sa banta ng seguridad
Facebook Comments