PNP, ima-maximize ang deployment ng mga tauhan sa nalalapit na pagbubukas ng klase sa Lunes

Magpapakalat ang Philippine National Police (PNP) ng sapat na pwersa para sa pagbubukas ng klase sa Lunes, August 22.

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, ima-maximize nila ang lahat ng kanilang tauhan matiyak lamang ang kaligtasan ng mga estudyante.

Ani Fajardo, pati ang mga pulis na nagre-render ng admin duty ay ilalabas para mag-patrol.


Paliwanag ng opisyal, magsasagawa ang PNP ng police beat at mobile patrol sa mga lugar na malapit sa mga paaralan.

Maliban dito, magtatalaga rin sila ng police assistance desks malapit sa mga eskwelahan.

Magpapakalat din sila ng transport marshals sa terminals at transport hubs maging ang PNP COVID patrollers ay ide-deploy upang matiyak na nasusunod pa rin ang minimum public health protocols.

Kasunod nito, iginiit ni Fajardo na all systems go na o handang-handa na ang buong pwersa ng PNP para sa school opening sa Lunes.

Facebook Comments