PNP, inaalam na ngayon kung parte ng pananabotahe ang pagkakadiskubre nilang hindi si Reynaldo De Guzman ang bangkay na natagpuan sa Nueva Ecija

Manila Philippines – Inaalam na ngayon ng Philippine National Police kung bahagi ng pananabotahe sa imbestigasyon ng PNP ang nadiskubre nilang hindi si Reynaldo De Guzman alyas Kulot ang natagpuang palutang-lutang sa isang creek sa Nueva Ecija.

Ito ay matapos na hindi magtugma ang DNA testing na kanilang ginawa sa bangkay ng isang menor de edad na natagpuan sa Nueva Ecija sa magulang ni Reynaldo De Guzman alyas Kulot.

Ayon kay Directorate for operation police deputy Dir. Gen. Fernando Mendez, maliban sa pag-iimbestiga sa kaso ng pagkakapatay kina Kian Delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at sa isang menor de edad na natagpuang patay sa isang creek sa Nueva Ecija, isinama na rin nila ang pag-alam kung parte ito ng pananabotahe sa imbestigasyon.


Una nang sinabi ng Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong nanabotane sa imbestigasyon ng PNP.

Sa ngayon aniya ay wala pa silang lead kung nasaan si Reynaldo De Guzman alyas Kulot.

Ito ay dahil nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon sa kaso.

Facebook Comments