NBI, nakikipag-ugnayan na sa grupong may hawak sa taxi driver na sinasabing hinoldap ni Carl Arnaiz

Manila, Philippines – Nakikipag-ugnayan na ang National Bureau of Investigation sa grupong Rise Up for Life and for Rights na may hawak sa taxi driver na si Tomas Bagcal na sinasabing hinoldap ni Carl Angelo Arnaiz noong August 18, 2017.

Ayon kay NBI-NCR Chief Cesar Bacani, hiniling nila sa grupong Rise Up na makausap si Bagcal.

Itinuturing kasi ng NBI na susi sa imbestigasyon sa kaso ni Arnaiz ang magiging testimonya ni Bagcal


Sinabi pa ni Bacani na posibleng gamitin din ng NBI na basehan sa imbestigasyon ang mga sasabihin ni Bagcal sa Senate hearing.

Facebook Comments