PNP, inihahanda na ang seguridad para sa nalalapit na plebisito sa Marawi City

Inihahanda na ng Philippine National Police (PNP) ang magiging latag ng seguridad para sa gagawing plebisito sa Marawi City sa darating na March 9.

Ito’y kasunod na rin ng paglikha ng tatlong bagong barangay partikular na ang Sultan Corobong, Sultan Panoroganan at Angoyao.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief PCol. Jean Fajardo, kahapon ay nagsagawa ng command conference kung saan natalakay ang mga gagawing hakbang para sa plebesito.


Ani Fajardo, may sapat silang mga tauhan para ipakalat sa nabanggit na lungsod upang matiyak ang kaayusan at kapayapaan.

Muli namang ipinaalala ng PNP na mahigpit na umiiral ang gun ban o ang suspensyon sa pagpapalabas ng Permit to Carry Firearms Outside of Residence sa Marawi City mula pa noong February 18 hanggang March 16.

Facebook Comments