Balitang kudeta laban kay SP Zubiri, galing umano sa Kamara

 

Diretsahang sinabi ni Senator Imee Marcos na mula sa Kamara ang bantang kudeta laban kay Senate President Juan Miguel Zubiri.

Ayon kay Sen. Marcos, maraming ugong at pressure na alisin sa pwesto si Zubiri pero ito ay hindi sa mga senador galing kundi sa Kamara.

Patutsada pa ni Sen. Marcos palitan na lang ng Kamara si Speaker Martin Romualdez at bakit pinapakialaman pa ang Senate President.


Sinang-ayunan naman ni Senator Sonny Angara ang posisyon ni Sen. Marcos na posibleng galing sa labas ang pagpapalutang na papalitan ang Senate leadership.

Samantala, agad ding itinanggi ni Senator Jinggoy Estrada na wala siyang hangad na maging lider ng Senado at walang katotohanan ang noon pa’y kumakalat na balita na siya ang ipapalit bilang Senate President.

Aniya, noon pa mang nakaraang taon ay may kumakalat na kaparehong isyu at hindi niya malaman kung saan ito nanggaling.

Facebook Comments