PNP, iniimbestigahan na ang kumalat na pekeng memo na nagtataas sa full alert status sa ahensya dahil sa umano’y destabilisasyon sa hanay ng AFP

Iniutos na ni Philippine National Police (PNP) Chief Rodolfo Azurin Jr., ang pagsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa posibleng kapabayaan na nangyari matapos mag-leak ang isang fake memo kung saan may ikinakasa umanong destabilisasyon sa hanay ng Armed Forces of the Philippines (AFP) dahilan para isailalim sa full alert status ang PNP.

Ayon kay Azurin, pinaiimbestigahan na niya sa regional director ng Cordillera Police Regional Office ang kumalat na memo kung saan signatory dito ang isang Lieutenant Colonel Dexter Ominga.

Ani Azurin, saka-sakali mang mapatunayang may lapses o kapabayaan ay paniguradong may mananagot dito.


Nagdulot kasi ito ng takot at pangamba sa publiko lalo pa’t sa kapareho ding araw o nung Sabado Jan 7,2023 ay may namataan ding sasakyang panggiyera na lumalabas mula sa Kampo Krame.

Una nang itinanggi ng PNP at AFP ang sinasabing tangkang pagpapabagsak sa gobyerno kung saan ang mga nakitang sasakyang panggiyera na lumabas sa Kampo Krame ay para lamang sa regular na maintenance check ng mga ito.

Facebook Comments