Bilang ng mga debotong nilapatan ng lunas ng DOH teams sa nakalipas na apat na araw, umaabot na sa mahigit 600

Umaabot na sa 642 na mga deboto ng Itim na Nazareno ang nalapatan ng mga naka-deploy na tauhan ng Department of Health (DOH).

Ito ay mula noong Biyernes, January 6 hanggang ngayong araw na ito.

Halos 600 dito ay cardio-related concerns tulad ng hypertension, pagtaas ng blood pressure at chest pain.


43 naman ang mga nasugatan habang 10 ang neurological related tulad ng pananakit ng ulo at pagkahilo.

8 naman ang nahirapan na huminga at inatake ng hika.

Habang apat na deboto ang nilapatan ng lunas dahil sa gastro related problems tulad ng abdominal pain at LBM.

Tiniyak naman ng DOH na mananatili ang kanilang teams sa paligid ng Quiapo Church hanggat mayroong mga dumarating na deboto.

Facebook Comments