Iniimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang ibinunyag ni Sen. Risa Hontiveros sa umano’y kulto sa bayan ng Socorro, Surigao del Norte.
Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., kanilang bineberipika ang mga impormasyong inilahad ng senadora sa kaniyang privileged speech sa Senado kahapon.
Matatandaang sinabi ni Hontiveros na nasa 1,000 menor de edad ang biktima ng nasabing kulto na nakaranas ng rape, sexual violence, child abuse at forced marriage kung saan pinatatakbo aniya ito ng mga armado at makapangyarihang personalidad sa lugar na ‘di umano’y sangkot sa iligal na droga.
Sa alegasyon naman na may sariling gobyerno ang naturang kulto, tiniyak ni Acorda na handa ang PNP na ipatupad ang batas dahil iisa lamang ang Pilipinas at lahat ng Pilipino ay nasasaklawan ng ating batas.