Lalakeng lulan ng sasakyan na nahulihan ng samu’t saring mga baril sa Kampo Krame, arestado

Inaresto na ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) ang isang lalakeng lulan ng isang itim na Sedan na nagtangkang magpasok ng samu’t saring mga baril sa Kampo Krame.

Ito’y sa kabila nang umiiral na gunban dahil sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Oktubre.

Nang buksan ang kanyang sasakyan, tumambad ang kahong-kahong mga baril at loaded magazine ng calibre .45, pistol at shotgun.


Sa inisyal na impormasyon, papasok sana ng Gate 2 ng Kampo Krame ang itim na sasakyan na may plakang POO 387 nang harangin ng mga pulis dahil sa nakitang mga baril sa loob ng kanyang sasakyan.

Facebook Comments